tag:blogger.com,1999:blog-12286206025023979532024-02-20T18:27:49.013+08:00SAPOL ni Jarius BondocJarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.comBlogger27125tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-33410348801863065582008-04-04T01:30:00.001+08:002008-04-04T11:36:27.638+08:00Pag-uusisa ng Senado wala nang saysayInilathala sa Pilipino Star Ngayon, Friday, April 4, 2008
TATLO ang mensahe mula sa desisyon ng Korte Suprema sa petisyon ni Romy Neri tungkol sa executive privilege.<o:p></o:p>

Una, wala nang saysay ang pag-iimbestiga ng Kongreso sa mga katiwalian ng gobyerno. Anang Korte, hindi maaring pilitin ang isang executive official na ibunyag ang mga usapan nila ng Pangulo — miski may sangkot na krimen. Sa national broadband deal, hindi maaring pilitin ng Senado si Neri na ibunyag ang naganap matapos niyang isumbong ang tangkang panunuhol ni Comelec chair Ben Abalos ng P200 milyon.<o:p></o:p>

Opisyal nang tinanggalan ng Korte ang Kongreso ng poder. Parang inutos na rin ng Korte na buwagin na ng Senado ang Blue-Ribbon body, at ng Kamara ang committee on good government. Kasi, hindi naman nila mapipilit ang executive officials na magsabi ng buong katotohanan.<o:p></o:p>

Ikalawang mensahe: Tila na-control na rin ni President Gloria Arroyo ang Korte Suprema. Halos lahat ng siyam na justices na bumoto para kay Neri ay pawang nominees ni Arroyo. Dapat <st1:city><st1:place>sana</st1:place></st1:city> ay maging independent ang appointees mula sa appointer. Pero hindi ito nangyayari.<o:p></o:p>

Ngayon, alam na natin kung bakit parating iginigiit ng Malacañang tuwing may nabibistong katiwalian na “ipau-baya na lang sa korte ang paglilitis.” Ito’y dahil hawak naman nila sa ilong ang mga korte. Isa-isang winawasak ang ating mga institusyon: Comelec, AFP, PNP. Kamara, Senado, media, mga obisyo, at ngayon ang Korte Suprema.<o:p></o:p>
Pero may ikatlong mensahe sa desisyon kay Neri. At ito ay maaring mag-boomerang sa Malacañang. Ibig sabihin ng ruling ay maaring idiin ni Neri si Abalos, pero maitatago niya ang pagkasangkot ni Arroyo sa NBN-ZTE scam. Ibig sabihin, malamang na mahabla ng Ombudsman si Abalos nang plunder, at maari ring hatulan ito ng Sandiganbayan nang habambuhay na pagkakulong. Papayag kaya si Abalos sa gan’un? Hindi kaya siya mahimasmasan at ibunyag na ang lahat?Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-57421459470877894312008-04-01T13:02:00.001+08:002008-04-02T12:04:24.933+08:00May kickback sa pag-angkat ng bigasInilathala sa Pilipino Star Ngayon, Tuesday, April 1, 2008
TAUN-TAON kinakapos ang Pilipinas nang dalawang milyong tonelada ng bigas. Ang dapat na solusyon ng isang responsableng gobyerno ay maglaan ng pondo para pag-ibayuhin ang ani. Ang naturang pondo ay para sa patubig, kontra baha, abono, pestisidyo, research and development ng high-yield rice varieties, post-harvest facilities, at insentibo at training sa magsasaka.<o:p></o:p>

Pero hindi ito ginagastahan ng gobyerno. Ang kokonting pera ng bayan ay inilalaan sa mga walang kapararakang proyekto. Kung hindi ko binisto ang national broadband network deal, wawaldasin <st1:city><st1:place>sana</st1:place></st1:city> ng Malacañang ang $330 milyon (P17 bilyon), imbis na ang rice productivity. At ki-kickback pa <st1:city><st1:place>sana</st1:place></st1:city> ang brokers ng ZTE nang $200 milyon (P10 bilyon).<o:p></o:p>

Mas ginugusto rin ng gobyerno na angkatin taun-taon ang shortage na dalawang milyong tonelada mula sa <st1:country-region><st1:place>India</st1:place></st1:country-region>, <st1:country-region><st1:place>Thailand</st1:place></st1:country-region> o <st1:country-region><st1:place>Vietnam</st1:place></st1:country-region>. Bakit? Dahil may kickback din sa bawat stage ng pag-import ng bigas.<o:p></o:p>

Simulan natin sa presyo. Anang Malacañang, bumibili ang gobyerno ng bigas mula sa Vietnam sa halagang $700 kada tonelada. Pero i-check sa Internet ang presyo ng <st1:country-region><st1:place>Vietnam</st1:place></st1:country-region> rice exports: $430-$460 lang kada tonelada. (Tumaas ito kamakailan nang $50-$70 kada tonelada dahil kokonti lang din ang ani ng <st1:country-region><st1:place>Vietnam</st1:place></st1:country-region> nang ilaan ang mga lupain para sa biofuels.)<o:p></o:p>

Ilagay na lang natin sa $450 kada tonelada ang presyo ng <st1:country-region><st1:place>Vietnam</st1:place></st1:country-region>, para madaling kuwentahin. Sa gan’ung presyo, malinaw na may overprice na $250 kada tonelada ang opisyal na umoorder ng bigas mula <st1:country-region><st1:place>Vietnam</st1:place></st1:country-region>. Tumataginting na $500 milyon (P20 bilyon) ang kickback mula sa dalawang milyong tonelada.<o:p></o:p>

Hindi lang ‘yon. Pati ang opisyal na taga-hire ng barko ay kumukumisyon nang di bababa sa $100,000 kada barko ng bigas.<o:p></o:p>
Maniwala kayo’t sa hindi, pati sako ng bigas ay may kickback. Dekada-’80 pa, 15¢ na ang kumisyon kada sako. May 20 sako kada tonelada, o 40 milyon sako sa dalawang milyong tonelada ng angkat na bigas. Ang kickback mula sa sako pa lang ay $6 milyon ($240 milyon).Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-13135187999599119942008-03-31T01:58:00.001+08:002008-04-02T12:02:26.353+08:00Gobyerno sinisisi ang mamamayanInilathala sa Pilipino Star Ngayon, Monday, March 31, 2008
MAPAGPANGGAP talaga ang Arroyo admin. Sa kabila ng mga ulat ng napipintong rice shortage, nagkaila agad ang Gabinete. Pero pinakawalan naman ng Malacañang ang mga media handlers para maghasik ng parallel na balita. Oo, anila, maaring magka-krisis sa bigas, pero hindi ‘yon dahil sa admin kundi sa pagiging maaksaya ng Pilipino.<o:p></o:p>

Sa madaling salita, palihis na umaamin ang admin sa napipintong shortage — pero ibinibintang nito ang darating na krisis sa mamamayan.<o:p></o:p>

Giit ng Malacañang, isang kutsaritang kanin ang inaaksaya ng bawat isa sa 90 milyong Pilipino kada almusal, tanghalian at hapunan. Nangangahulugan daw ito ng 600 sako ng bigas na nasasayang araw-araw sa buong bansa — na ipinakakain lang sa mga alagang-bahay o -bakuran tulad ng aso, pusa, manok o baboy. Ito raw ay magbubunsod ng krisis. Kaya matuto raw dapat tayo magtipid; pati mga restoran, bawasan na raw ang takal ng kanin.<o:p></o:p>

Ewan ko kung pag-aaksaya ang inaasal ng Pilipino kaya ipinakakain ang tirang kanin sa mga alagang hayop. Mahal masyado ang pet foods. Ewan ko rin kung totoong isang kutsaritang kanin ang inaaksaya natin kada kain. E, 20% ng populasyon — 18 milyong Pilipino — ay halos wala na ngang makain.<o:p></o:p>

Kung kinakapos ang rice supply, ito’y dahil kulang ang naa-ani. At kung kulang ang naaani, ito’y dahil sa kurakot sa gobyerno.<o:p></o:p>

Upang itaas ang produksiyon ng bigas, kailangan ng irigasyon, fertilizers, pesticides, post-harvest facilities, kalsada at palengke. Pero kulang palagi ang pondo para sa mga gan’ung proyekto. Bakit? E kasi winawaldas ng pamunuan sa mga walang kapararakang bagay. Ehemplo: kung hindi natin binisto, uutang <st1:city><st1:place>sana</st1:place></st1:city> ang Arroyo admin ng $330 milyon (P17 bilyon) para sa walang-silbing national broadband network, imbis na ilagay ang pera sa rice production.<o:p></o:p>
Mas ginugusto ng pamunuan na mag-import ng milyon-milyong tonelada ng bigas. Kasi, may kickback sa presyo, sako at barko.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-51329795826121359912008-03-28T01:54:00.003+08:002008-04-02T11:57:55.234+08:00Malacañang lantarang isinusuko ang SpratlysInilathala sa Pilipino Star Ngayon, Friday, March 28, 2008
TRAYDOR ang Malacañang. Nu’ng Sept. 2004 pumirma ng joint marine seismic understanding kung saan ipinapa-explore sa <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> — miski labag sa Konstitusyon — ang 142,866 sq km na karagatan sa <st1:place>Palawan</st1:place> at Kalayaan Islands sa gilid ng Spratlys. Nang umangal ang <st1:country-region><st1:place>Vietnam</st1:place></st1:country-region>, na umaangkin din sa bahagi ng Spratlys, isinali ito sa joint seismic study nu’ng March 2005. Habang nagsasagawa ng joint study, bawal magmina ang Pilipinas ng oil o gas sa naturang pook — na pag-aari naman ng Pilipinas. Saad sa kasunduan na dapat ito ilihim miski limang taon nang mapaso. Parang ibinenta ang Pilipinas: Kapalit ng understanding ay $2 bilyong utang kada taon na pinagkukumisyunan. Kabilang na ang $330-milyong NBN-ZTE deal kung saan sangkot sina Gloria at Mike Arroyo sa $200-milyong kickback.<o:p></o:p>

Nang mabisto at batikusin kamakailan ang kasunduan, nagmalinis ang Malacañang. Kesyo raw si noo’y Speaker Joe de Venecia ang naggiit ng joint seismic study; pero tauhan naman ng Malacañang ang pumirma. Kesyo ipagtatanggol daw ng Malacañang ang teritoryo ng bansa; pero sa salita lang ‘yon, dahil sa gawa ay inilihim pa ang pagbenta ng sobereniya.<o:p></o:p>

Magsisimula pa lang ang imbestigasyon ng Senado at Kamara sa pagtataksil. Samantala, ipinasa nu’ng Disyembre 2007 sa Kamara ang panukalang baselines ng teritoryo ng Pilipinas. Sakop sa baselines ang Kalayaan at Scarborough Shoal, isla sa gilid ng Zambales na inaangkin ng <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region>. Imbis na i-third and final reading na ito ng Kamara, biglang bumaliktad ang committee on foreign affairs, na hawak ng mga galamay ni Arroyo, at ipinabalik ito sa komite. Umaangal daw kasi ang <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region>.<o:p></o:p>

Lumitaw nu’ng Holy Week kung bakit ibinalik sa komite ang panukala. Aalisin pala ng Malacañang ang Kalayaan at <st1:place>Scarborough</st1:place> mula sa sakop na teritoryo ng bansa. Ituturing na lang itong “regime of islands.”<o:p></o:p>
Nagsinungaling pa ang Malacañang. Kesyo hindi raw umaatras ang Pilipinas sa paggigiit ng sobereniya. Pero sa totoo lang, kapag tinawag na “regime of islands” ay inaako ng bansa na maaaring mapasa-kamay ng <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> ang teritoryo. Talagang taksil na mangungulimbat ang pamunuan.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-681614958007664842008-03-25T01:50:00.002+08:002008-04-02T11:54:10.787+08:00DOTC-ZTE contract ipasuyod sa ekspertoInilathala sa Pilipino Star Ngayon, Tuesday, March 25, 2008
NOON pang mga unang hearing ng Senado sa NBN deal nu’ng Okt. 2007, hiniling na ni Sen. Loren Legarda na ipasuri ito sa independent experts. Sa ganitong paraan aniya mababatid kung may overpricing talaga sa contract, at kung mapapakinabangan talaga ito ng gobyerno.<o:p></o:p>

Merong Philippine Electronics and Telecommunications Federation, binubuo ng mga indibidwal, kompanya at samahan sa industriya. Kasama ru’n ang mga espesyalista sa iba’t ibang larangan ng telecoms, computers, at engineering. Maaring sa PETEF humingi ang Senado ng mga ekspertong susuyod sa 52-pahinang kontrata at 11 annexes nito upang malinang kung saan ang dayaan.<o:p></o:p>

Tumestigo si Joey de Venecia na nu’ng pirmahan ang $330-milyong kontrata nu’ng Abril 2007, merong isiningit ang mga kakompetensiya na $200-milyong (P10-bilyong) kickback. Idinagdag ni Jun Lozada na nu’ng nagnenegosasyon pa lang sa paunang presyong $262 milyon, $130 milyon na umano ang pinapo-protektahang komisyon ni Comelec chief Benjamin Abalos. At sinumpa ni Dante Madriaga na, bilang ZTE consultant, alam niya na ang “tongpats” (patong o suhol) ay $230 milyon. May magsasabing biased ang mga paratang nina Joey, Jun at Dante — pero maaring gawing panimulang batayan ng independent experts ang mga papeles ng tatlo.<o:p></o:p>

Meron pang ibang maaring gamitin ang independent experts. Hawak ko, halimbawa, ang kopya ng mga dokumentong isinumite ng Alvarion of Israel sa ZTE nu’ng Mayo 2006. Price quotations ito para sa WiMAX units, equipment na bibilhin ng ZTE sa Israel at saka ibebenta sa DOTC. Du’n pa lang, makikitang halos triniple ng ZTE ang presyong ibinigay sa kanila ng Alvarion subcontractor. Saan pa napunta ang overprice kundi sa kickback o “tongpats”.<o:p></o:p>
Maari ring sa iba pang sources magbatay ng pagsusuri ang experts. Basta’t habang hinahanap nila ang overpricing, alamin na rin nila kung mangyayari ang gan’ung katiwalian kung open bidding imbes na closed negotiations ang ginawa ng DOTC.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-14097902309495336562008-03-24T01:48:00.000+08:002008-04-02T11:50:23.458+08:00Nauusong katiwalian: Pag-umento sa sariliInilathala sa Pilipino Star Ngayon, Monday, March 24, 2008
KAKAIBANG klaseng sangay ng gobyerno ang Kongreso. Dito, ang mga kasapi ang nagtatakda kung magkano ang kikitain nila sa pamamagitan ng pork barrel, allowances, at budget ng committee chairmanship. Ang resulta: Nag-uuwi ang bawat senador o kongresista ng P5 milyon hanggang $8 milyon kada buwan — na pera ng taumbayan.<o:p></o:p>

Ginagaya ng executive branch ang Kongreso. Sa government-owned and -controlled corporations, mga board directors, na pawang appointees ng Malacañang, ang nagtatakda ng sariling per diem, allowance at bonus.<o:p></o:p>

At dahil nakahahawa ang kasakiman, gumaya na sa Kongreso at GOCCs ang isang line agency sa ehekutibo — ang Philippine Overseas Employment Administration.<o:p></o:p>

Nahuli at kinastigo ng Commission on Audit ang POEA dahil sa ilegal na pagbayad ng P40 milyong incentives at allowances sa opisyales at empleyado nitong nakaraang tatlong taon. Pinuna rin ng COA sa pagbigay ng POEA sa executives at rank-and-file ng cellphones. Inabuso pa nga ito ng POEA officers and men, anang COA, dahil siningil nila sa ahensiya ang pag-download nila ng P796,000-halaga ng ring tones, games, picture messages at iba pang unauthorized dahil personal na items.<o:p></o:p>

Ang masaklap dito, ang perang kinupit umano ng POEA ay galing sa Overseas Workers Welfare Fund. Pera ito na sapilitang hinuhulog ng overseas workers para repatriation, hospitalization at iba pang emergency habang nasa-abroad.<o:p></o:p>

Dapat suyurin rin ng COA ang iba pang ahensiya ng gobyerno, pati ang mga munisipyo, city hall at kapitolyo upang ilantad ang pag-uumento sa sarili. Nauusong pa-raan ito ng katiwalian. Sa isang government bank nga, binayaran ng board directors ang sarili nila ng tig-P7-milyong bonus nu’ng Enero. At para hindi umangal ang officers, binalatuan din sila ng tig-P3 milyon hanggang -P5 milyon.<o:p></o:p>
Siyempre ang nalulugi sa katiwalian ay ang mamamayan. Imbis na magasta ang pera ng bayan sa serbisyo publiko, ibinubulsa lang ng iilan.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-18261207159309526952008-03-18T16:17:00.000+08:002008-03-19T23:17:48.294+08:00Pag-kontra ng China senyales para sa atinSAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Tuesday, March 18, 2008
UMAANGAL umano ang China sa territorial baselines bill sa House of Representatives. Senyales ito na mabuti ang panukala para sa interes ng Pilipinas at hindi ng <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region>. Ibig sabihin, isabatas na agad ang territorial boundaries ng Pilipinas sa karagatan, upang mapatulong natin ang United Nations sa pagpapalayas ng mga nanghihimasok na dayuhan. Mas importante, mapapakinabangan na sa wakas ng Pilipinas ang minerals, oil at gas sa karagatang teritoryo nito, at ang pangisdaan sa dagdag pang 200-mile exclusive economic zone.<o:p></o:p>

Kumokontra ang China sa pagtatakda ng baselines ng Pilipinas dahil legal nating maaangkin ang Spratlys sa ilalim ng UN Convention on the Law of the Sea. Talo ang <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> du’n. Pinalalabas niyang kanya ang Spratlys dahil umano sa “historic claims”. Pero ayon sa UNCLOS, ang siyensiyang geology ang dapat na batayan ng teritoryo.<o:p></o:p>

Nabanggit ko na kahapon ang geological history na batayan ng Pilipinas para angkinin ang Spratlys. Ayon sa masusing pag-aaral ng <st1:place><st1:placetype>University</st1:placetype> of <st1:placename>London</st1:placename></st1:place>, nu’ng sinaunang panahong wala pang tao sa mundo ay lumin-dol nang malakas sa mainland <st1:place>Asia</st1:place> kung saan ngayon ang <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region>. Tumalsik ang pahabang piraso ng lupa sa <st1:place>Pacific Ocean</st1:place>, at ito ang naging <st1:place>Palawan</st1:place>. Dahil nagkaroon ng <st1:place>Palawan</st1:place>, umusbong ang Borneo sa timog. Dahil sa <st1:place>Palawan</st1:place> at <st1:place>Borneo</st1:place>, mula sa undersea volcanic eruptions ay umusbong naman ang mga pulo-pulo <st1:place>Luzon</st1:place>, Visayas, <st1:place>Mindanao</st1:place>, at <st1:country-region><st1:place>Indonesia</st1:place></st1:country-region>.<o:p></o:p>

Samantala, sa kanluran ng <st1:place>Palawan</st1:place>, nagkaroon ng bagong dagat na ngayo’y tinatawag na South China Sea sa pagitan ng mainland <st1:place>Asia</st1:place> (<st1:place>Indochina</st1:place>) at <st1:place>Palawan</st1:place>. Ang continental shelf — lupang pinagpapatungan ng <st1:place>Palawan</st1:place> — ay sakop ang Spratlys, na nais angkinin ng <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region>. Ang dulo ng shelf ay hanggang 50 milya kanluran ng Kalayaan Islands sa Spratlys.<o:p></o:p>
Inaangalan ng <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> ang baselines bill dahil patunay ito na atin ang <st1:place><st1:placename>Spratly</st1:placename> <st1:placetype>Islands</st1:placetype></st1:place> na naglalaman ng maraming oil and gas deposits at pangisdaan. Dapat lang igiit ng gobyerno ang katotohanan ng ating claim.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-61297754083629793792008-03-14T16:15:00.000+08:002008-03-19T23:16:36.016+08:00Gas natin sa Palawan di mapakinabanganSAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Friday, March 14, 2008
UNA, nantraydor ang mga opisyales nu’ng 2005 sa pagpirma sa <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> at <st1:country-region><st1:place>Vietnam</st1:place></st1:country-region> ng joint exploration sa Spratlys at continental shelf ng <st1:place>Palawan</st1:place>. Kwenta pinahintulutan nila ang mga dayuhan na pumasok at mag-espiya sa teritoryo ng Pilipinas.<o:p></o:p>

Tapos nangulimbat ang mga opisyales mula sa  Chinese loans na bumuhos sa Pilipinas matapos payagan ang panghihimasok sa teritoryo. Nagbalato ng $2 bilyong pautang kada taon ang <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> — sa Northrail, Southrail, NBN-ZTE at tatlong dosena pang proyekto — kung saan di bababa sa 20% ($400 milyon) ang kickback, ayon kay Jun Lozada.<o:p></o:p>

Heto naman ang pangatlong kakambal na salot na tumama sa bansa: Hindi mapakinabangan ng Pilipinas ang langis at natural gas sa karagatan ng <st1:place>Palawan</st1:place> dahil ayaw pumayag ang <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region>. Ayon kasi sa 2005 joint exploration agreement, bawal sa tatlong bansa na i-assign kanino man ang mga yaman sa karagatan nang walang kasulatang pahintulot ng iba. Lugi ang Pilipinas sa kasunduang ito dahil bahagi ng Spratlys na okupado natin at continental shelf ng <st1:place>Palawan</st1:place> ang sakop na karagatan.<o:p></o:p>

Nu’ng 2002 pa in-award ng gobyerno sa pribadong kompanya ang general survey and exploration contract 101 sa bahagi ng Reed Bank sa <st1:place>Palawan</st1:place>. Nais na ng kompanya na mag-drill ng gas. Pero hindi na maari ito dahil sa katrayduran at pangungulimbat na nagsimula nu’ng 2005.<o:p></o:p>

Mas malaki pa <st1:city><st1:place>sana</st1:place></st1:city> kaysa Malampaya ang gas sa Reed Bank. Ayon sa tatlong seismic surveys, 3.7 trillion cubic feet ang reserve, at maaring umabot pa sa 20 TCF. Bilyun-bilyong piso ang halaga nito, at dapat may parteng 60% ang gobyerno sa pagbenta. Kaso, hindi mapakinabangan ang gas. Kasi nga ihinihirit ng <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> ang joint exploration pact para pagkaitan ng drilling license ang kompanya.<o:p></o:p>
Kailangang-kailangan ng gobyerno ng pera para sa edukasyon, pakain, patubig, pabahay at pangkalusugan ng mahihirap, at ng sundalo’t pulis. ‘Yung 60% parte <st1:city><st1:place>sana</st1:place></st1:city> ng gobyerno sa langis at gas resources ang puwedeng pagmulan ng pondo. Pero natraydor at nakulimbatan tayo.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-66040936143361972752008-03-11T16:13:00.000+08:002008-03-19T23:15:08.787+08:00Mangungulimbat (Karugtong ng lumabas kahapon)SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Tuesday, March 11, 2008
NU’NG 2004 tinalikuran ng RP ang ASEAN. Gumawa si Gloria Arroyo ng sariling kasunduan sa <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region>. Kesyo joint seismic studies daw ng Spratlys ng PNOC ng Pilipinas at CNOOC ng <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region>. Nagpa-joint exploration din siya ng bahagi ng Spratlys na sakop ng Pilipinas, at pati ng continental shelf ng <st1:place>Palawan</st1:place>.<o:p></o:p>

Ayon sa UN Law of the Sea, ang continental shelf ay bahagi ng teritoryo ng bansang-kapuluang tulad ng RP. Kaya kuwenta pinayagan ni GMA na manghimasok ang China sa okupadong isla at legal na teritoryo ng Pilipinas. Isa itong katraydoran!<o:p></o:p>

Ilang taon ding itinago ng Pilipinas ang kontrata mula sa publiko. Nag-leak na lang ngayon ang detalyes sa mga nagsasaliksik. Ayon sa ulat ni Barry Wain sa Far Eastern Economic Review: “Ang tinutukoy na pook, malawak na karagatan mula Palawan sa Katimugang Pilipinas, ay sumasaklaw sa Spratlys at bumabagtas sa Malampaya, isang produktibong gas field ng Pilipinas. Ika-anim ng kalawakan, pinakamalapit sa pampang ng Pilipinas, ay ni hindi sakop sa inaangkin ng <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region>.”<o:p></o:p>

Kataka-taka ito. Ang joint exploration ay solusyon <st1:city><st1:place>sana</st1:place></st1:city> sa malimit na girian ng Pilipinas at China sa Spratlys. Kaya, bakit isinama rito ni GMA ang legal na teritoryo ng Pilipinas?<o:p></o:p>

Ang sagot ay nasa sumunod na kilos ng <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region>. Ilang linggo lang matapos ang pirmahan, inanunsiyo ng <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> na magpapautang ito ng $2 bilyon kada taon para sa mga proyektong imprastruktura at pangsakahan ng Pilipinas. Hanggang 2010 daw, taon ng pagbaba sa puwesto ni GMA.<o:p></o:p>

Kaya dumagsa ang Chinese loans magmula nu’ng 2005, kasama ang Northrail at Southrail. Nu’ng 2007 lang, mahigit 35 proyekto ang iniutang ng Pilipinas sa China, kabilang ang national broadband network ng ZTE.<o:p></o:p>
Ibinunyag ni ZTE scam whistleblower Jun Lozada na mahina ang 20% kickback ng mga kawatang opisyales mula sa Chinese loans. Kung $2 bilyon kada taon ang pautang, e di $400 milyon ang kickback. Taumbayan ang magbabayad ng utang nang deka-dekada, pero yayaman agad ang mangungulimbat at traydor.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-43715396675309376452008-03-10T16:59:00.000+08:002008-03-10T03:01:00.845+08:00TraydorSAPOL Ni Jarius Bondoc
Monday, March 10, 2008
MALAON nang nagnenegosasyon ang RP at telecom firm Arescom ng US para sa national broadband network nang sumingit ang ZTE ng <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> nu’ng 2006. Bigla na lang tinalikuran ng RP ang naunang bidder at, nu’ng Abril 2007, nakipag-kontrata sa bagong-salta. Kung nagtataka ang mga Pilipino sa iginawi ng kanilang gobyerno sa ZTE deal, lalo silang magigitla sa pagtalikod nito sa matagal nang kaalyadong US para akapin ang <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region>.<o:p></o:p>

Taong 2002 nang, sa tulong ng US, hinikayat ng RP ang Association of Southeast Asian Nations na magkaisa kontra sa banta ng China. Pakay ng RP <st1:time hour="12" minute="0">noon</st1:time> na bugawin ang China sa Spratlys, mga isla sa <st1:place>South China Sea</st1:place> na pinaniniwalaang may langis at natural gas. Inaangkin ang Spratlys di lang ng RP at <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region>, kundi pati <st1:country-region><st1:place>Taiwan</st1:place></st1:country-region> at taga-ASEAN na <st1:country-region><st1:place>Vietnam</st1:place></st1:country-region>, <st1:country-region><st1:place>Malaysia</st1:place></st1:country-region>, <st1:country-region><st1:place>Indonesia</st1:place></st1:country-region> at <st1:country-region><st1:place>Brunei</st1:place></st1:country-region>. Dahil sa malimit na girian ng RP, <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> at <st1:country-region><st1:place>Vietnam</st1:place></st1:country-region>, nilistang sanhi ng karahasan ang rehiyon. Kaya pinapirma ng RP ang ASEAN at <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> ng kasunduan na ang pakay ay ihinto ang pagdami ng militar ng China sa Spratlys. Nagyabang pa ang RP sa pamumuno.<o:p></o:p>

Lumipas lang ang dalawang taon, bumaliktad ang lahat. Tumiwalag ang RP mula sa kasunduang ito mismo ang nagpasimuno, at nagpasyang solo na lang siyang makikipagharap sa <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region>. Sa isinalin na ulat ni Barry Wain sa Far Eastern Economic Review (Jan.-Feb. 2008): “Malaki ang sorpresa sa apurahang biyahe ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo sa <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> nu’ng patapos ng 2004. Kabilang sa mga maseremonyang pinirmahan ng dawalang bansa ay joint seismic studies ng kani-kanilang national oil companies sa masalimuot na <st1:place>South China Sea</st1:place>. Ikinagalit ito ng ASEAN.”<o:p></o:p>

Dagdag pa ni Wain: “Nakakapanlumong pumayag din ang RP sa joint exploration hindi lang ng pitong islang inookupa nito sa Spratlys, kundi pati na rin ang continental shelf nito.”<o:p></o:p>

Ang continental shelf ay lupang lubog sa tubig mula sa pampang hanggang sa puntong bumabagsak na ito sa ocean floor. Sa ilalim ng UN Convention on the Law of the Sea, tinuturing itong bahagi ng teritoryo ng isang bansang isla o nasa tabing-dagat — at lalo na kung kapuluan.<o:p></o:p>
Bakit patraydor na isinuko ni GMA sa <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> hindi lang ang Spratlys na sakop ng Pilipinas, kundi pati ang sariling shelf nito? (Itutuloy bukas)Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-74834632659392431322008-03-08T05:02:00.000+08:002008-03-10T03:05:05.853+08:00Handa ba tayo sa bagong uri ng People Power?SAPOL Ni Jarius Bondoc
Friday, March 7, 2008
NU’NG 1986 pinabagsak ang isang diktador; nu’ng 2001, isang plunderer. Bakit nangasa-kalsada na naman ang mga mamamayan at nagpapatalsik muli ng isang Presidente — dahil sa laganap na patayan at katiwalian?<o:p></o:p>

Malinaw ang sagot sa katanungan: Makalipas ang dalawang People Power Revolt, hindi pa rin nakapaglatag ang bansa ng matinong sistema. Naroong ibinalik lang ng EDSA-1 ang lumang oligarkiya at Kongresong hawak nito. At pinatindi lang ng EDSA-2 ang pork barrel ng Kongreso, ang pag-control ng oligarkiya sa Malacañang, at impluwensiya naman ng Malacañang sa local officials at Simbahan. Resulta: Labis na pag-aabuso ng mga naghaharing pulitiko sa kapangyarihan at sa pera ng taumbayan.<o:p></o:p>

At bakit nagkaganoon ang EDSA-1 at 2, gay’ung resulta ang mga ito ng sama-sama’t demokratikong pagkilos ng mamamayan? Nasa sipi ni Edmund Burke marahil ang sagot: “<st1:place>Para</st1:place> manaig ang kasamaan, kelangan lang ay walang gawin ang mabubuting tao.”<o:p></o:p>

Matapos ang EDSA-1 at 2, kinailangan ang mabubuting tao para patakbuhin ang gobyerno. Pero hindi nila ginawa ito. Nagsiuwian sila matapos bumagsak si Marcos at si Estrada; nagsibalikan sila sa kanya-kanyang buhay. Ipinaubaya na lang sa iilang ang misyon ng patuloy na pagrereporma upang makahubog ng bagong sistema. E nagkataon na marami sa iilang iyon ay kawatan na winasak lang ang mga simulain ng People Power.<o:p></o:p>

Sinasabi ng mga obispo na hindi na uso ang EDSA-1 at 2. Kung lilinisin ngayon ang administrasyong Arroyo, kailangan daw ng bagong uri ng People Power. Hindi na pagmamartsa, kundi ibang ibang anyo.<o:p></o:p>
Sa aking palagay, ang bagong People Power ay ang pakikilahok ng mas maraming mabubuting tao sa kalakaran sa gobyerno. Ito’y boluntaryo na paghawak ng mga halal at hirang na puwesto, miski maliit ang kita, para lang maisulong ang reporma. Kasama na rin dito ang walang-sawang pagbabantay sa gobyerno para hindi lumihis sa landas ng matinong pamumuno. Kailangan baguhin ang sistema, hindi lang ang tao sa taas.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-16706194413794412352008-03-05T05:05:00.000+08:002008-03-10T03:07:32.666+08:00ZTE nabayaran na ba?SAPOL Ni Jarius Bondoc
Tuesday, March 4, 2008
NGAYON tatalakayin ng Korte Suprema ang isyu ng executive privilege. Lilinawin ng Hudikatura kung maari bang pilitin ng Senado si Sec. Romy Neri na ibunyag ang mga pinag-usapan nila ni Gloria Arroyo tungkol sa maanomalyang ZTE deal.<o:p></o:p>

Ang executive privilege ay karapatan ng Presidente at Gabinete sa Konstitusyon na ilihim ang mga usapan nila, lalo na kung nakasalalay ang seguridad ng bansa at relasyon sa iba pang bansa. Pero hindi ito maaaring ihirit kapag nakasalalay naman ang karapatan ng mamamayang malaman ang anumang may direktang epekto sa buhay nila.<o:p></o:p>

Halimbawa: nagbayad na ba ang gobyerno sa ZTE?<o:p></o:p>

Lumulutang ang tanong na ito dahil sa Art. 8 ng DOTC-ZTE contract ng Abril 21, 2007. Dapat daw magbayad ang DOTC sa ZTE ng 15% down payment sa loob ng 10 araw na maging epektibo ang kontrata. Hindi ito manggagaling sa anumang uutangin ng gobyerno sa <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region>. Kumbaga, sagutin mismo ito ng Pilipinas: $49 milyon ng $329 milyon. Maaalalang inanunsiyo ni Gloria Arroyo nu’ng September 2007 ang pagkansela umano ng kontrata; pero walang dokumentong nagpapatunay dito. Kaya maaaring naging epektibo muna ang kontrata, at naibayad na ang paunang $49 milyon.<o:p></o:p>

Lumulutang din ang tanong sa alon ng pahayag ni Dante Madriaga sa Senado. Anang dating technical consultant ng ZTE, nag-advance ang kompanyang Tsino ng $41 milyon sa mga Pilipinong backer nito. Una raw ay $1 milyon para representation nu’ng Agosto 2006; tapos, $10 milyon nang i-endorse ng NEDA ang proyekyo nu’ng Marso 2007; at huli ang $30 milyon nang i-witness ni Arroyo ang pirmahan nu’ng Abril 2007. Kalahati raw ng bawat release ay napunta sa mag-asawang Gloria at Mike Arroyo.<o:p></o:p>

Masyadong malapit ang $41 milyong advance sa $49 milyong down payment. Nagiging suspetsoso ito lalo na’t gumasta nang malaki ang ZTE para sa financial studies, engineering designs, at presentasyon nito — pero hindi naman naniningil ng damages sa pagkansela ng kontrata.<o:p></o:p>
Nabayaran na nga ba sila ng $49 milyon kapalit ng $41 milyon? <st1:city><st1:place>Sana</st1:place></st1:city> sagutin ‘yan ng Palasyo, at hindi magtago sa likod ng executive privilege.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-84788865774782065142008-03-04T05:07:00.000+08:002008-03-10T03:09:53.002+08:00Kuwento ni MadriagaSAPOL Ni Jarius Bondoc
Monday, March 3, 2008
TOTOO ang sinabi ni Dante Madriaga sa hearing ng Senado nu’ng Martes. Nagkakilala kami nu’ng Okt. 2007 nang, sa e-mail niya <st1:time hour="12" minute="0">noon</st1:time>, nagbigay siya sa akin ng karagda-gang info sa umuusok kong exposé sa ZTE scam. Pinabulaanan niya ang kumakalat noong balita na inilalako niya ang posibleng pagtestigo niya nang milyun-milyong piso. Nais daw niyang lumantad pagdating ng tamang panahon, pero kailangang maikubli muna niya ang asawa’t pitong anak sa panganib. Malalaking tao kasi ang isasang-kot niya sa $330-milyong kontrata na may $200-milyong kickback. Nagkasundo kaming mag-usap nang harapan.<o:p></o:p>

At hayun, tulad ng sinabi ni Madriaga sa Senado, nagkuwento siya. Siya umano ang technical man sa grupo ni Comelec chairman Ben Abalos na nagtutulak sa ZTE Corp. of <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> para maging supplier ng national broadband network. Siya rin ang liaison ng grupo sa pakikipag-usap sa NEDA sa ilalim ni Romy Neri. Kaibigan niyang telecoms man na si Leo San Miguel ang kumuha sa kanya, at ipinakilala kina Ruben Reyes, (retired) Gen. Quirino dela Torre, at Jimmy Paz (chief of staff ni Abalos).<o:p></o:p>

Nabanggit ni Madriaga ang pagsingil ng grupo niya ng $41 milyong “advances” mula sa ZTE. Una raw ay $1 milyon nu’ng mga Agosto 2006, pang-representation ng grupo; kalahati raw ay napunta sa mag-asawang Mike at Gloria Arroyo. Ikalawa ay $10 milyon, Marso 2007, nang makuha nila ang mahahalagang approvals mula sa NEDA. At pangatlo ay $30 milyon nu’ng Abril 2007, para sa kampanya ng partido ng admin, nang mag-witness si Arroyo sa pirmahan ng DOTC at ZTE sa Hainan, China.<o:p></o:p>
Nu’ng magkakilala kami ni Madriaga, kaaanunsiyo pa lang ni Gng. Arroyo na kinansela na niya ang kontrata at inimpormahan ang <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region>. Mabilis sinundan ‘yon ng chorus ng Malacañang spokesmen na itigil na dapat ang Senate inquiry dahil wala nang kontratang uuriratin. Ngayong sinasabi ni Madriaga na tumanggap na pala ng pera mula sa ZTE ang “grupo ng Pilipino,” lalo dapat uriratin ang isyu. Lalo na’t ayon sa kontrata ay dapat magbayad agad ang Pilipinas nang $49 milyong down payment (15%) pagkapirma nu’ng Abril 2007. Masyadong malapit ang $41 milyong advance sa $49-milyong down payment. Baka tinakpan ang pauna ng ZTE.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-50934597981529491642008-02-29T17:41:00.000+08:002008-03-10T01:44:55.153+08:00DOJ pambambo sa tumutuligsaSAPOL Ni Jarius Bondoc
Friday, February 29, 2008
SADYA bang baliktad na ang mundo? Ito ang tanong ni ZTE scam witness Jun Lozada sa sarili nang usisain din siya ng bunsong anak: “Dad, kung hero ka dahil sa katapangan mong ibunyag ang kasakiman sa ZTE deal, bakit tayo ang nagtatago (dito sa La Salle Greenhills)?”<o:p></o:p>

Aba’y baliktad na talaga ang mundo. Masdan ang Department of Justice, sa pagsigaw ni Lozada na kinid-nap siya ng mga di-kilalang armadong lalaki sa airport nang umuwi nu’ng Feb. 5. Ihahabla raw siya ng DOJ ng perjury (pagbubulaan habang nakasumpa) dahil pinaniniwalaan nito ang bulol-bulol na kuwento nina Gen. Angel Atutubo at Col. Paul Mascariñas na inikot lang nila sa Laguna si Lozada bilang pag-secure sa kanya.<o:p></o:p>

Kakasuhan din daw ng DOJ ang asawa ni Lozada na si Violeta, dahil sa pag-file nito ng writ of habeas corpus nu’ng Feb. 6 miski nagkita na silang mag-asawa nu’ng gabi ng Feb. 5. Ni hindi pinansin ang sinumpaang salaysay nila Lozada at ng pari sa <st1:place>La Salle</st1:place> na sinundo pa uli ni Mascariñas ang witness nu’ng Feb. 6 para dalhin sa di-sinabing lugar.<o:p></o:p>

Kakasuhan pa rin ng DOJ si Lozada nang graft dahil sa mga inamin nitong katiwalian sa Senate inquiry. Pero ni hindi pinapansin ng DOJ ang mga testimonya at ebidensya ng pangungulimbat sa ZTE deal na lumabas <st1:time hour="12" minute="0">noon</st1:time> pang 2007.<o:p></o:p>

Pati si Sec. Romy Neri kakasuhan din ng DOJ dahil sa paglabag umano sa executive privilege nang ikuwento sa Senado ang mga pinag-usapan nila ni President Gloria Macapagal-Arroyo tungkol sa deal. Ang katawa-tawa dito, e executive privilege din ang ihinihirit ni Neri para ilihim sa Senado ang mga pinag-usapan nila.<o:p></o:p>

Naging taliwas sa hustisya ang kilos ng DOJ dahil sa pinuno nitong si Sec. Raul Gonzalez. Hindi basta partisano ni GMA si Gonzalez; binabali pa niya ang batas para lang pagtakpan ang katiwalian sa Arroyo admin.<o:p></o:p>
Ang tanong: Tatahimik na lang ba ang mga matitinik na abogado’t abogada sa DOJ sa paglulubog sa kanilang lahat ng isang partisanong bumabali sa batas? Kung oo, aba’y parang kasabwat na sila ni Gonzalez.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-12901989342971330572008-02-26T17:47:00.000+08:002008-03-10T01:51:31.279+08:00Nababaliw sa pagpapalusotSAPOL Ni Jarius Bondoc
Tuesday, February 26, 2008
SINUMANG nais wasakin ng mga diyoso, sinisira muna nila ang ulo. At baliw na nga ang Arroyo admin, kung ang pagbabatayan ay ang mga kilos at salita nito sa $200-milyong kickback sa $330-milyong ZTE deal.<o:p></o:p>

Biruin mo, tinawag pala ni Sec. Romy Neri na evil ang amo niyang President Gloria Macapagal Arroyo. Hindi niya diretsang maitanggi ang pagbubunyag ng kaibigan niyang state witness na si Jun Lozada. Sabi na lang niya na hindi niya maalalang sabihin ‘yon sa miting nu’ng Dec. 7 kay Senators Ping Lacson at Jamby Madrigal. Pero ang mas kabaliwan ay nang mag-”unity walk” kinabukasan ang Gabinete para magpakita ng pakikiisa sa binabatikos na GMA. Ipinagtabi pa ng direktor ng eksena sina GMA at Neri, na nag-isnaban naman. Tanong tuloy ng madla: Sino sa dalawa ang naniniwala sa pangaral ni Sun Tzu na “ilapit sa sarili ang mga kaibigan at mas malapit ang mga kaaway.”<o:p></o:p>

Kinabukasan pa uli, ibinunyag ni Gina de Venecia, asawa ni dating-Speaker Joe, na ilang beses na nga sinabi ni Neri sa kanilang mag-asawa na evil nga si GMA. Hindi na ito sinagot ni Neri, kasi parang anak ang trato sa kanya nina Joe at Gina. Silence is guilt, ika nga.<o:p></o:p>

Kasabay nu’n nag-lecture si presidential economic adviser (Albay Gov.) Joey Salceda sa Ateneo at sinabing: “Bitch nga si Arroyo pero pinaka-masuwerteng bitch siya sa lahat.” E meron palang TV camera na nakunan ang lahat. Nabisto tuloy ang pananaw kay GMA ng mga tauhan niya.<o:p></o:p>
Nag-apologize umano si Salceda, perong walang kibo lang si GMA. Hindi pa alam kung ano ang gagawin ng mga anak ni GMA na Reps. Mikey at Dato Arroyo. Kasi nga naman, kung bitch ang nanay nila, hindi maganda ang maaring itawag sa dalawang sons. Maaalalang sina Mikey at Dato ang namuno sa pagpapatalsik kay Joe de Venecia sa Speakership dahil sa pagsangkot ng anak nitong si Joey kay First Gentleman Mike Arroyo sa ZTE scam. Bwahahaha!Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-38903523774966621222008-02-25T17:52:00.000+08:002008-03-10T01:53:45.271+08:00Imbestigasyong ZTE huwag pampatahimikSAPOL Ni Jarius Bondoc
Monday, February 25, 2008
KUNG balak ng Arroyo admin idribol ang imbestigasyon ng Ombudsman sa ZTE deal para mahupa ang galit na madla, magdalawang-isip <st1:city><st1:place>sana</st1:place></st1:city> ito. Alam ng Malacañang na 92% ng Pilipino ay naniniwala sa mga isiniwalat ni Jun Lozada na pagkidnap sa kanya, at bilyon-pisong katiwalian sa ZTE deal. Kapag lutuin ang Ombudsman probe o patagalin hanggang mainip ang tao sa paghihintay, baka magulat ang Palasyo sa pagsabog ng poot.<o:p></o:p>

Kung tutuusin, napilitan na ngang mag-inhibit ni Ombudsman Mercedita Gutierrez. Kaklase niya kasi sa law school si First Gentleman Mike Arroyo, na dawit sa $200-milyong kickback sa $330-milyong deal. Pero nagbabantay pa rin ang mamamayan sa maaring iliku-liko ng kaso. Batid ng madla ang masamang pagtrato ng Ombudsman sa mga kaso ng katiwalian. Nu’ng nakaraang taon, inanunsyo sa wakas ni Gutierrez na kakasuhan na ng plunder ang dating boss na justice secretary Hernando Perez dahil sa pangingikil ng $2 milyon kay Mark Jimenez. Pero hanggang ngayon wala pang isinasampang kaso sa Sandiganbayan. Mas malala, pinasya ng Korte Suprema nu’ng 2004 na maanomalya ang P1.3-bilyong Comelec automation ni Benjamin Abalos. Pero sa isang kataka-takang desisyon, pinawalang-sala ng Ombudsman si Abalos, na sangkot na naman dito sa ZTE scam.<o:p></o:p>

Kampante ang Malacañang sa harap ng protesta sa ZTE deal at iba pang katiwalian. Sawa na nga kasi ang taumbayan sa kapi-People Power Revolt. Hangad nila ngayon na makitang umaandar nang kusa ang sistema hustisya. Huwag pagsamantalahan ng admin sa ganitong damdamin ng masa. Kapag naramdaman ng tao na niloloko na sila, magmamartsa sila muli para patalsikin ang manloloko.<o:p></o:p>
‘Yan ang nangyari nu’ng EDSA-Dos. Tahimik na nagmasid ang madla habang in-impeach si Joseph Estrada sa Kamara de Representantes at nilitis ng Senado. Pero nang daanin sa dami ng mayoryang senadores na kakampi ni Erap ang pagbigo ng pagbukas ng sobre ng ebidensiya, nagalit ang mga Pilipino at nagwelgang bayan para patalsikin siya.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-46504177499419412382008-02-22T17:54:00.000+08:002008-03-10T01:54:48.862+08:00Sawa na sa katiwalian, sawa na ring lumabanSAPOL Ni Jarius Bondoc
Friday, February 22, 2008
TALAMAK na talaga ang katiwalian sa baba at taas ng gobyerno. Sa LTO central office sa East Avenue at Cubao, Quezon City, sinalubong ng fixers ang hindi nila kilalang bagong hepe ng ahensiya — at hiningan ng P1,000 para bumilis ang pag-renew ng driver’s license. Sa Malacañang at Gabinete mahigit isang dosenang krimen ang ginawa sa pagtaguyod at pagtatakip sa ZTE scam. At sa lahat ng sangay ng gobyerno — ehekutibo, lehislatura at hudikatura — perahan na lang ang nangyayari.<o:p></o:p>

Malaon nang nanlumo ang mamamayan sa katiwalian. Sumuko na ang karamihan sa media. Ang mga negosyante, nagbibigay na lang ng hinihinging suhol upang ma-serbisyuhan ng gobyerno. Ang mga botante, nilalako na ang boto na alam nilang hindi naman mabibilang. Ang mga abogado, tinatang-gap na lang ang sistemang highest bidder sa mga kaso sa korte. Pati mga pinuno ng simbahan ay nagbubulag-bulagan na sa kasalanan, dahil mga nag-aabuloy sa kanila ang mga nangungulimbat.<o:p></o:p>

Sinuri ni Eufemio Domingo, dating hepe ng Commission on Audit at Presidential Anti-Graft Commission, ang isang masamang ugali ng Pilipino. Aniya, muhing-muhi tayo sa katiwalian — pero kilig na kilig tayo kapag dumadalo ang mga tiwaling opisyales sa ating mga kasalan, binyagan at kainan. Ito raw ang rason kung bakit lalong lumalakas ang loob ng mga magnanakaw sa gobyerno na ibulsa ang pera ng taumbayan. Iniidolo kasi sila ng madla.<o:p></o:p>
<st1:city><st1:place>Sana</st1:place></st1:city>, ani Domingo, baguhin ng Pilipino ang maling ugaling ito. Imbis na tangkilikin ang tiwali, dapat daw ay talikuran at tuyain sila. Huwag daw dapat imbitahin sa mga piging. Ni huwag daw dapat kausapin. Pagbawalan daw pumasok sa simbahan, at huwag bigyan ng Komunyon. Sa gan’ung paraan daw, kikilabutan ang mga tiwali at matatakot nang magnakaw. Isa sa pinaka-matinding kinatatakutan ng tao ang ihiwalay sa lipunan na parang ketongin nu’ng sinaunang panahon.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-16230309801042893232008-02-19T17:57:00.000+08:002008-03-10T01:59:08.196+08:00ZTE: Tuluy-tuloy pang krimenSAPOL Ni Jarius Bondoc
Tuesday, February 19, 2008
TALAGA bang hindi hihinto ang Arroyo admin sa paggawa ng krimen sa pagtutuloy at pagtatakip sa ZTE scam? Nitong nakaraang araw, binantaan ng isang Cabinet member ang Makati Business Club na ipabi-BIR sila. Ito’y dahil nanawagan ang mga negosyante kina Cabinet members Lito Atienza at Romy Neri na mag-resign dahil sangkot sa pagkidnap at pagbusal kay whistleblower Jun Lozada.<o:p></o:p>

Garapalang paglabag sa Konstitusyon ang pagbabanta. Nasa Bill of Rights ang kalayaang maghayag at humingi ng lunas sa hinaing. Utos din ng Code of Conduct and Ethical Standards na kilalanin ng nasa gobyerno ang karapatan ng mamamayan. Ipinagbabawal naman ng Administrative Code ang pagha-harass ng mamamayan.<o:p></o:p>

Nu’n lang naunang linggo, maraming krimen din ang ginawa ng mga galamay ni Gloria Arroyo kay Lozada. Kinidnap siya sa airport, nanghadlang sa hustisya, nang-udyok na magbulaan, nag-wiretap, nagbulaan mismo sa Senado, at inaabala ang takbo ng Kongreso. Sinabayan pa ng panlalait sa lahing Tsino.<o:p></o:p>

Bago ’yon, marami ring batas ang nilabag para maisakatuparan ang ZTE deal. Inapura nila ito, itinago sa publiko, at nag-overprice. Ilan lang sa binale-walang batas ang: Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Telecoms Policy Act, Procurement Reform Act, Omnibus Election Code. at Revised Penal Code (sa panunuhol at pag-aalok ng suhol). Pati ang Konstitusyon nilabag nang pirmahan ang kontrata miski wala pang aprubadong sanhi ng pondong pantustos sa proyekto.<o:p></o:p>

At nang tinangka nilang itago ang kontrata sa publiko, nilabag din ang Anti-Red Tape Law. Nag-imbento ng umano’y pagnakaw ng kontrata sa <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> ilang oras matapos mapirmahan, at kunwari’y na-reconstruct ito. Pamemeke ito ng dokumentong pampubliko at pang-aapi sa mga pinalabas na “magnanakaw”.<o:p></o:p>
Ano’ng klaseng gobyerno ito na gumagawa ng krimen para lang kumulimbat ng $200 milyon (P10 bilyon) mula sa $330-milyong kontrata?Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-27556480905223513842008-02-18T17:00:00.000+08:002008-03-10T02:01:33.392+08:00Papeles sa ZTE scam dapat ipaliwanagSAPOL Ni Jarius Bondoc
Monday, February 18, 2008
NILILITO ni Press Sec. Ignacio Bunye ang madla tuwing sinasabing puro daldal lang at walang solidong ebidensiya ng katiwalian sa ZTE deal. Merong papeles — at dapat itong ipaliwanag.<o:p></o:p>

Una sa listahan ang annexes sa $330-milyong DOTC-ZTE contract. Ayon sa Bill of Materials at Bill of Quantities, halagang $194,051,628 ang telecom hardware at $135,429,313 ang serbisyo, para sa kabuuang $329,480,941. Nagsumite si Joey de Venecia ng alam niyang presyuhan ng equipment at services sa telecom industry, at pumalo lang ito sa halagang $96,078,246 at $36,733,786, o total na $132,812,032. Lumilitaw ang overprice na $196,668,909. Mabeberipika ng Senado ang overprice kapag kausapin nito ang telecom experts.<o:p></o:p>

Meron pang ibang dokumento. Halimbawa, minutes ng NEDA board meeting nu’ng Nob. 2006 kung saan iginiit ni President Gloria Arroyo na build-operate-transfer dapat ang broadband network, pero ginawang utang batay sa kontrata. At ang pag-atras ng pag-utang sa <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> ng perang pampabahay ng pulis para lang maisingit ang ZTE deal.<o:p></o:p>

May papeles din sa pagdukot kay saksing Jun Lozada. Taliwas ito sa hirit ng pulisya na sinundo kuno nila siya sa airport para protektahan. Nakatala sa airport security logbooks na tatlong sundalo ng Presidential Security Group ang umakyat sa arrival area para kaunin “ang VIP” (si Lozada). Sa kotse rin ng PSG, puting Toyota Corolla Altis na may plakang ZCJ 556, isinakay si Lozada. <st1:place>Panay</st1:place> ang tanggi ng pulisya at PSG — pero klaro na hindi lang kinidnap si Lozada kundi sangkot pa ang Malacañang.<o:p></o:p>
Pero si Lozada ay dapat ding magpaliwanag ng ilang papeles. Sa testimonya niya, aniya binantaan siya ni Comelec chairman Ben Abalos nu’ng Enero 2007 na papatayin kapag matuntong lang sa Wack Wack Golf Course o sa Mandaluyong. Pero batay sa billing statements at mga resibo, nakailang golf games pa siya sa Wack Wack hanggang Enero 2008. At sa Ben’s Diner na pag-aari ni Abalos pa siya nagmemeryenda. ‘Yun daw ba ang papatayin? Tiyak, may paliwanag si Lozada diyan.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-81620043743532007782008-02-15T17:02:00.001+08:002008-03-10T02:09:00.223+08:00Tubig, pabahay nilaglag para lang sa ZTE dealSAPOL Ni Jarius Bondoc
Friday, February 15, 2008
REHABILITASYON ng Angat Dam; pabahay sa pulis. Dalawa lang ‘yan sa mga proyektong isinakripisyo umano ni President Gloria Arroyo para lang maisingit ang $330-milyong ZTE deal na may $200-milyong kickback. At ‘yan din ang rason kung bakit nabagabag si Jun Lozada.<o:p></o:p>

Kinuha umano ni noo’y Economic Sec. Romy Neri si Lozada bilang technical adviser sa national broadband network. Panukala <st1:time hour="12" minute="0">noon</st1:time> ang ZTE Corp. ng <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> na magbenta ng telecoms equipment nang $262 milyon, na ipapautang sa gobyerno ng China Export-Import Bank. Balak naman ng Amsterdam Holdings Inc. ni Joey de Venecia III na sila mismo ang gagasta ng $240 milyon para itayo ang network, at saka na sisingilin ang gobyerno sa sistemang build-operate-transfer. Eksperto si Lozada sa telecoms dahil nagtrabaho sa Alcatel at iba pang malalaking kompanya sa abroad.<o:p></o:p>

Ani Lozada, itinutulak ni Comelec chief Ben Abalos ang ZTE. Pero ang patakaran ni Arroyo ay daanin sa B-O-T imbis na utang ang NBN, kaya hindi makalusot si Abalos at lamang naman ang offer ni Joey.<o:p></o:p>

Natuklasan ni Lozada na may $130-milyong panimulang overprice sa presyong $262-milyon ng ZTE. Inatasan siya ni Neri na bawasan ang kahayukan ng ZTE group sa kickback. Ipinagtambal pilit ni Lozada sina Abalos at Joey, pero ayaw ng huli, kasi siya ang maku kulong kapag nabigyan ng komisyong $130 milyon. Nagsumbong naman si Abalos kay First Gentleman Mike Arroyo, at doon na naganap ang paninigaw ni Mike kay Joey ng “back off.”<o:p></o:p>
Matapos mag-usap sina Abalos at Mike, biglang nagbago ang isip ni Arroyo. Utang na ang gusto niya, imbis na mas mainam na B-O-T. Sinabi ni Neri kay Arroyo na hindi makakayanan ng gobyerno ang $262-milyong utang para sa proyektong $130 milyon lang; lulupaypay ang ekonomiya. Sagot umano ni Arroyo na huwag nang ituloy ang pag-rehabilitate ng Angat at ang pabahay ng pulis, para ‘yung utang na lang sa <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> ang iisipin. Isinasakripisyo ang sanhi ng inumin at irigasyon ng Greater Manila at <st1:place>Central Luzon</st1:place>, at benepisyo ng mga pulis. Lumobo pa sa $330 milyon.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-58557258457282091092008-02-15T17:02:00.000+08:002008-03-10T02:03:59.864+08:00Tubig, pabahay nilaglag para lang sa ZTE dealSAPOL Ni Jarius Bondoc
Friday, February 15, 2008
REHABILITASYON ng Angat Dam; pabahay sa pulis. Dalawa lang ‘yan sa mga proyektong isinakripisyo umano ni President Gloria Arroyo para lang maisingit ang $330-milyong ZTE deal na may $200-milyong kickback. At ‘yan din ang rason kung bakit nabagabag si Jun Lozada.<o:p></o:p>

Kinuha umano ni noo’y Economic Sec. Romy Neri si Lozada bilang technical adviser sa national broadband network. Panukala <st1:time hour="12" minute="0">noon</st1:time> ang ZTE Corp. ng <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> na magbenta ng telecoms equipment nang $262 milyon, na ipapautang sa gobyerno ng China Export-Import Bank. Balak naman ng Amsterdam Holdings Inc. ni Joey de Venecia III na sila mismo ang gagasta ng $240 milyon para itayo ang network, at saka na sisingilin ang gobyerno sa sistemang build-operate-transfer. Eksperto si Lozada sa telecoms dahil nagtrabaho sa Alcatel at iba pang malalaking kompanya sa abroad.<o:p></o:p>

Ani Lozada, itinutulak ni Comelec chief Ben Abalos ang ZTE. Pero ang patakaran ni Arroyo ay daanin sa B-O-T imbis na utang ang NBN, kaya hindi makalusot si Abalos at lamang naman ang offer ni Joey.<o:p></o:p>

Natuklasan ni Lozada na may $130-milyong panimulang overprice sa presyong $262-milyon ng ZTE. Inatasan siya ni Neri na bawasan ang kahayukan ng ZTE group sa kickback. Ipinagtambal pilit ni Lozada sina Abalos at Joey, pero ayaw ng huli, kasi siya ang maku kulong kapag nabigyan ng komisyong $130 milyon. Nagsumbong naman si Abalos kay First Gentleman Mike Arroyo, at doon na naganap ang paninigaw ni Mike kay Joey ng “back off.”<o:p></o:p>
Matapos mag-usap sina Abalos at Mike, biglang nagbago ang isip ni Arroyo. Utang na ang gusto niya, imbis na mas mainam na B-O-T. Sinabi ni Neri kay Arroyo na hindi makakayanan ng gobyerno ang $262-milyong utang para sa proyektong $130 milyon lang; lulupaypay ang ekonomiya. Sagot umano ni Arroyo na huwag nang ituloy ang pag-rehabilitate ng Angat at ang pabahay ng pulis, para ‘yung utang na lang sa <st1:country-region><st1:place>China</st1:place></st1:country-region> ang iisipin. Isinasakripisyo ang sanhi ng inumin at irigasyon ng Greater Manila at <st1:place>Central Luzon</st1:place>, at benepisyo ng mga pulis. Lumobo pa sa $330 milyon.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-80255238288014866772008-02-12T17:09:00.000+08:002008-03-10T02:11:00.663+08:00Gobyernong kriminalSAPOL Ni Jarius Bondoc
Tuesday, February 12, 2008
Una, dinukot nila ang mga komunista, at hindi ako kumibo — dahil hindi naman ako komunista;<o:p></o:p>

Tapos, dinukot nila ang mga sosyalista, at hindi ako kumibo — dahil hindi naman ako sosyalista;<o:p></o:p>

Dinukot nila ang mga unyonista, at hindi ako kumino — dahil hindi naman ako unyonista;<o:p></o:p>

Dinukot nila ang mga Hudyo, at hindi ako kumibo <o:p></o:p>— dahil hindi naman ako Hudyo;<o:p></o:p>

Tapos, dinukot nila ako — at wala nang natitirang kikibo para sa akin.<o:p></o:p> — Martin Niemoeller, pastor sa <st1:country-region><st1:place>Germany</st1:place></st1:country-region> nu’ng dekada-’30, ipinakulong ni Hitler<o:p></o:p>

KAKUKUWENTO pa lang ni Joe de Venecia sa huling talumpati bilang Speaker ang pagbabanta sa kanyang buhay, heto’t naganap ang kakila-kilabot na eksena sa kumukulong ZTE scandal. Kinidnap ng Malacañang ang testigong si Jun Lozada para pigilan itong maisiwalat sa Senado ang $200-milyong (P10-bilyong) kickback sa $330-milyong telecoms deal.<o:p></o:p>

Ani de Venecia, nanganib ang kanilang buhay nang ibunyag ng anak na si Joey ang ZTE scam na kinasangkutan nina First Gentleman Mike Arroyo, Comelec chairman Ben Abalos, at DOTC Sec. Leandro Mendoza. Ibinulong sa kanila ni dating Army chief Jayme delos <st1:city><st1:place>Santos</st1:place></st1:city> (nagtatwa rin pagkatapos) na ipapapatay sila ng tatlong heneral — kabilang si <st1:city><st1:place>Mendoza</st1:place></st1:city>. Ini-report agad ito ni Joey sa pulis. Lumiham naman si De Venecia kay Presidente Gloria Arroyo, dahil opisyales ng Ehekutibo ang tatlong heneral, at humingi ng aksiyon bilang ika-4 na pinakamataas na pinuno ng bansa.<o:p></o:p>

Nararapat lamang na atasan ng Presidente ang pulis na imbestigahan ang tangkang asasinasyon at mag-ulat sa Speaker. Sinumpaang tungkulin niya ‘yon. Pero, ngit-ngit ni De Venecia, ni walang sinagot si Arroyo.<o:p></o:p>

Ani De Venecia, kung nangyari sa kanya ito gayong mataas siyang pinuno, maari itong mangyari sa iba. At hayun, kinidnap nga si Lozada.<o:p></o:p>
Kung ‘di kikilos ang madla laban sa pang-aabuso, lalaganap ito.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-88350859132572828652008-02-11T17:13:00.000+08:002008-03-10T02:22:04.263+08:00Ngayong wala si JDV, paano na si GMA?SAPOL Ni Jarius Bondoc
Monday, February 11, 2008
TINUTUYA si Joe de Venecia, sa pagsiwalat niya ng mga baho ng Arroyo admin, kung “bakit ngayon lang?” Nasa farewell speech na niya ang sagot, nang amining makasalanan siya <st1:city><st1:place>gaya</st1:place></st1:city> ng lahat. Kaya parang inuurirat na rin si Saul kung bakit naging Paul at itinigil ang pagpapahirap sa mga Kristiyano matapos lang mabulag patungong <st1:city><st1:place>Damascus</st1:place></st1:city>.<o:p></o:p>

Ito ang dapat na tanong: Ano na ang mangyayari kay Gloria Arroyo ngayong nilaglag ng mga anak niyang kongresista ang pinaka-masugid niyang kakampi sa pulitikang si JDV?<o:p></o:p>

Miski sumanib si JDV sa Oposisyon, hindi bagong impeachment ang problema ni GMA. Nakalkula na ‘yan ng mga batang Arroyo. Susubuan lang nila ang mga kongresista ng pork barrel — P17 bilyon ng pera natin.<o:p></o:p>

Sa larangang panlabas ang problema ng mga Arroyo. Binalaan sila ng Management Association of the Phils. at Phil. Chamber of Commerce and Industry tungkol sa mga magiging gusot sa ibayong dagat. Hindi sila nakinig; nagpakabulag sa hangaring benggansiya.<o:p></o:p>

Speaker na si JDV nu’ng 1992 nang kulelat na senador pa lang si GMA. Bago ‘yon, idinala ni JDV ang Philippine construction industry sa <st1:place>Middle East</st1:place> habang middle manager lang si GMA sa trade ministry. Dahil founder ng Lakas-Christian-Muslim Democrats, mataas na pinuno si JDV sa pandaigdigang Christian Democratic Union na nakapuwesto sa Europe; walang international affiliation ang Kampi ni GMA. Bilang Speaker nang limang ulit, maraming world leaders na nakaibigang malapit ni JDV; ang katoto lang ni GMA sa ibang bansa ay si dating US President Bill Clinton.<o:p></o:p>

Kaya, tiyak mag-iisip ang world leaders kung bakit nilaglag ni GMA si JDV. Kikilatisin nila lalo ang pagkatao niya, at ang human rights record, lalo na’t ibinunyag ni JDV na hindi siya tinulungan ni GMA nang bantaan siyang papatayin ng tatlong heneral ng Presidente.<o:p></o:p>
Magdadalawang-isip ang world leaders mag-abuloy o magpautang. Kakapusin ang pondo ng gobyerno para sa basic services. Isisisi ito ng publiko kay GMA. Gugulo lalo ang termino niya.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-90911746550499804442008-02-08T17:22:00.000+08:002008-03-10T02:26:24.504+08:00Bumangon 12 oras matapos mamataySAPOL Ni Jarius Bondoc
Friday, February 8, 2008
BINUHAY ang isang ina sa <st1:country-region><st1:place>Ethiopia</st1:place></st1:country-region> na 12 oras nang patay — at nagkuwento siya tungkol sa langit. Heto ang ulat ng Breaking Christian News:<o:p></o:p>

Nang ikasal si Fatuma Shubisa sa isang evangelist, lumipat siya sa Kristiyanismo mula Islam. Pero nagkasakit ang ina ng siyam, at pumanaw sa harap ng inang nag-aalaga sa kanya. Nagsimulang magluksa ang Baryo Alelu. Nagkataong naparaan du’n si Warsa Buta na Protestant missionary. Sa pagtupad ng aniya’y pangako ng Diyos na bubuhayin ang patay ng kamay niya, hinanap ni Buta ang namatay na babae.<o:p></o:p>

Nagtaka ang mga kaibigan at kamag-anak nang dasalan ng preacher ang nakatalukbong na bangkay. Kuwento ni Buta: Sampalataya ako na kikilos ang Diyos sa pamamagitan ko. Nagdasal ako tulad ng pagdarasal ni San Pedro, ‘Fatuma, sa ngalan ng Panginoong Hesus, bumangon ka.’”<o:p></o:p>

At umupo nga si Fatuma sa <st1:place>kama</st1:place>. Dose oras na siyang patay <st1:time hour="12" minute="0">noon</st1:time>.<o:p></o:p>

Si Fatuma ang nagtuloy ng kuwento: “Agad-agad napabalik ako sa aking katawan. Umupo ako at nagtanong, ‘Ano’ng nangyayari?’ Nagkagulo ang lahat. Anila nagagawa raw ng isang paring Kristiyano na pabalikin ang kaluluwa sa katawan. Sumigaw sila, lahat daw sila magpapa-convert na.”<o:p></o:p>

Habang patay si Fatuma, tila nakaranas siya ng magagandang silip sa Langit. Nakita raw niya ang mga yumaong kamag-anak at kapitbahay at nakipagkuwentuhan. <o:p></o:p>

“Bumangon ako sa kagustuhan ng Diyos na bumalik ako sa piling ng mga musmos kong anak,” ani Fatuma sa video ng breakingchristiannews.com nu’ng Enero 29. Ngayon batid ko na kung mamatay tayo ay mapupunta tayo sa napaka-gandang pook.”<o:p></o:p>
Paminsan-minsan pinadadama ng Diyos na nasa pa- ligid-ligid lang natin Siya sa pamamagitan ng pagtata- laga ng ilan sa atin bilang healer. Hindi ang mga tao ang gumagamot sa ating karamdaman o umaayos sa ating pagkatao, kundi ang Diyos na nagmamahal sa atin.Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1228620602502397953.post-65017658679545023922008-02-05T17:27:00.000+08:002008-03-10T02:28:40.816+08:00Ano’ng tinatago nila kung ‘malinis’ ang NBN deal?SAPOL Ni Jarius Bondoc
Tuesday, February 5, 2008
KUNG sinusundan n’yo ang mga kaganapan sa national broadband scam, tiyak ako na nauubos na ang tiwala n’yo sa administrasyong Arroyo. Bakit hindi? Lahat na lang ng sangkot sa umano’y $200-milyong kickback sa $330-milyong kontrata ay iniisnab ang subpoenas ng Senado.<o:p></o:p>

Maski may warrant of arrest sa kanya, iginigiit ni Sec. Romy Neri na wala na siyang masasabi matapos tumestigo nang 11 oras. (Ngitngit tuloy ni Blue-Ribbon chairman Alan Peter Cayetano na silang mga senador ang magsasabi, hindi si Neri, kung tapos na ang pag-uusisa nila.) Si Comelec chief Ben Abalos naman, nagpasya matapos sumipot minsan na hinding-hindi na siya babalik para igisa muli. Kesyo resigned na rin lang siya at private citizen na, kaya hindi na mapupuwersang tumestigo. Gayundin sina DOTC Sec. Larry Mendoza, at mga ayudanteng Lorenzo Formoso at Elmer Soñeja — ayaw nang bumalik miski tungkulin nilang kumbinsihin ang mga senador na kailangan talaga ng exclusive government telecom network. Si First Gentleman Mike Arroyo, miski kaoopera lang kaya ayaw ng doctor, ay lumipad sa <st1:place>Europe</st1:place> nu’ng araw ng imbitasyon.<o:p></o:p>

Ngayon pati isang mababang opisyal ng Ehekutibo ay may ganang bastusin ang subpoena ng Senado na siya mismo ang humingi.<o:p></o:p>

Si Jun Lozada mismo, presidente ng Forestry Corp. ng gobyerno, ng nagsabi kay Sen. Ping Lacson na darating siya kung sapilitang imbitahin at usisain. Alam niya umano lahat ng dumi sa NBN. Ehemplo: magkano ang partihan ng kickbackers mula sa paunang $70-milyong lagay ng ZTE, at proyektong ibabasura (repair ng Angat dam, pabahay ng pulis) para lang mapondohan ang NBN. Nakokonsiyensiya raw siya.<o:p></o:p>

Pero nu’ng Miyerkules, araw ng Senate hearing, lumipad siya sa <st1:place>Hong Kong</st1:place> para makaiwas. Iniabot sa kanya ng mga amo ang travel order at official itinerary kuno, antedated ang petsa. Tinalikuran na niya ang pangako at konsensiya.<o:p></o:p>
Anang Malacañang walang anomalya sa NBN, kontra sa exposé ni Joey de Venecia III. Kung gan’un, bakit itinatago nila ang impormasyon?Jarius Bondochttp://www.blogger.com/profile/06470760194559865323noreply@blogger.com0